Who is Johnny Paradox
Johnny Paradox Biography |
Name: Neil Luna
Born: March 26
Alias: Johnny Paradox
Reppin: Titik Poetry / Manipesto / Team Lightbulb
Occupation: Rapper, Performance Poet, Graphics Art Designer
Si Neil Luna na nakilala sa kanyang stage name bilang Johnny Paradox ay tubong Imus, Cavite. Nagsimula si Neil sumulat ng sarili niyang mga kanta noong 14 taong gulang siya at nasabak siya sa mga underground rap battle na nahinto pagsapit niya ng 17 taong gulang. Sumubok ng bagong interes si Johnny sa pagsulat ng mga tula at performance poetry, at nagkaroon ng malalim na experience sa spoken word poetry scene sa loob ng tatlong taon. Dahil dito ay naging miyembro din siya ng samahang Titik Poetry. Bagamat nakahiligan niya at pinasok ang nasabing larangan, hindi niya napigilang bumalik sa paggawa ng mga kanta. Kabilang din siya sa rap group na Team Lightbulb. Naitatag ang nasabing grupo January 2017 ng mga unsigned artist mula Caloocan, Paranaque, Bulacan at sa iba pang panig ng Pilipinas. Naging parte din si Johnny ng mga rap battles tulad ng Tuligsalitaan at Sigya kung saan siya umani ng mga tagahanga dahil sa astig niyang rebuttals. Ilan sa kanyang mga ay ang “Maniwala” kasama si Righteous One, “Mic Check” na parte ng kanyang album na PARADOX TAKES ON THE WORLD, “Langit ‘To” at iba pa.