Icons Feed

Keep up with your idol!

Who is JP Bacallan

JP Bacallan Biography

Name: JP Bacallan
Born: September 14
Alias: JP Bacallan
Reppin: Rawstarr Records / Rhythm & Drip / Green City Mobbin’
Occupation: Singer, Songwriter

Si JP Bacallan ay mula sa Pasig City. Kabilang siya sa grupong Rhythm & Drip at nasa ilalim siya ng independent record label na Rawstarr Records. Sumali ri si JP bilang Metro Manila contender sa Tawag Ng Tanghalan sa Showtime. Dahil sa maganda at malamig na tinig ni JP, naging mabilis ang pag-angat ng kanyang popularidad sa larangan ng musika. Maraming pagkakataon na ring nakapag-perform si JP sa The Roadshow ng Wish 107.5 Bus at sa bawat pagkakataon ay umani ito ng million views at patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang nito. Nagkaroon rin siya ng ilang collaboration kasama ang ilang mga kilalang rap artist katulad ni Gloc9 at PriceTagg sa kantang “Pahina” na mayroong halos limang milyong views sa YouTube nang kanila itong i-perform ng live sa Wish 107.5. Hindi rin pahuhuli ang kanta nila ni PriceTagg na “She Loves Me” at ang collab nila ni Rhyne  na “Tulad Ng Dati”.