Icons Feed

Keep up with your idol!

Who is Kai Paredes

Kai Paredes Biography

Name: Vhyle Christian Paredes
Born: August 27
Alias: Kai Paredes
Reppin: CMRD$ (COMRADES) / KARA y KRUZ
Occupation: Rapper, Entrepreneur

Si Vhyle Christian Paredes na nakilala sa kanyang stage name bilang Kai Paredes ay mula sa Quiapo, Manila. Nasa Grade 1 pa lang daw si Kai ay talagang nahilig na raw siyang makinig sa rap music at naging paborito niya ang kantang Stupid Love ng Salbakutah. Dahil dito, palaging pina-peperform sa kanya ng Mama niya ang Stupid Love sa tuwing may family reunion sila o kaya naman kapag may talent search sa school niya. Nagsimula si Kai sumulat ng sarili niyang kanta taong 2018 nang marinig niya ang mga bagong kanta ng 727 Clique na nagbigay ng inspirasyon sakanyang sumulat. Si Kai din ang may-atri ng merch na Reppin’ Quiapo. Sa ngayon, kasama ni Kai ang kanyang kaibigan na isa ring rap artist na si Leo Cruz na binuo ang rap group na CMRD$ o COMRADES. Marami na rin nailabas na kanta ang grupo ni Kai tulad ng “Takbo ng Isip”, “Puti at Itim”, “Piring” at iba pa na maari nang mapakinggan sa Spotify.