Icons Feed

Keep up with your idol!

Who is Kial

Kial Biography

Name: Marco Alkadama
Born: September 21
Alias: Kial
Reppin: 187 Mobstaz Entertainment / ShockRa
Occupation: Rapper, Editorial Cartoonist, Painter, Visual Artist, Tattoo Artist

Si Marco Alkadama na nakilala sa kanyang stage name bilang Kial ay mula sa Tondo, Manila. Si Kial at isa pang emcee na si Enzayne One ang nasa likod ng underground hiphop label na 187 Mobstaz Entertainment naglayong hanguin ang pagkalubog ng hiphop taong 2003. Isa rin si Kial sa Walong Sumpa ng ShockRa na nabuo noong 2007 kasama sina Abaddon, Innozent One, Numerhus, Smugglaz, Crazymix, Tuglaks, at Flict-G. Ilan sa kanyang mga kanta na nagmarka sa kanyang mga fans ay ang “SLN” featuring Tuglaks, “Bughaw”, “Nosi Balasi” collaboration with Blaze-N-Flow at ang kanyang bagong release na series ng tracks na Detainee Days na maaari nang mapanood sa kanyang YouTube channel. Siya ay sumabak rin sa pinakamalaking rap battle league na FlipTop.

Sa ngayon na panahon ng pandemya ay naging aktibo si Kial sa pag-aabot ng tulong sa mga nangangailangan.