Icons Feed

Keep up with your idol!

Who is Kierz Ferrer

Kierz Ferrer Biography

Name: Kier Bien Ferrer
Born: May 26
Alias: Kierz Ferrer
Reppin:  Kalookal$ Musik
Occupation: Rapper, Sound Technician, Music Arranger

Si Kier Bien Ferrer na nakilala sa kanyang stage name bilang Kierz Ferrer ay mula sa Lungsod ng Quezon. Isa siyang rap artist sa independent record label na Kalookal$ Musik. Kabilang rin si Kier sa isang hip-hop group na Kuweba Musika. Ang nasabing grupo ay nabuo noong June 12, 2014 kasama ang tatlo pang rapper na sina Mike, Kalibre at Wavy. Dati silang nasa ilalim ng Bagong Siglo Music. Ang isa pa nilang kagrupo na si Bert Lonzo ay dating band member na nagpasyang maging solo artist bago niya pa nakilala si Kier. Dahil sa kagustuhan nilang ipagpatuloy ang kanilang pagmamahal sa larangang napili, naitayo nila ang Kuweba Musika Recording Studio sa Quezon City. Ilan sa kanyang mga obra ay ang “Banta”, “Hiraya Manawari”, “Mahiwagang Pag-ibig” at iba pa.