Who is Kintab Talas
Kintab Talas Biography |
Name: Abraham H. Aquino Jr
Born: March 27
Alias: Kintab Talas
Reppin: Morobeats / Good Fight Movement / Dope Music Cartel / Sublunar Tattoo
Occupation: Rapper, Tattoo Artist
Si Abraham H. Aquino Jr na nakilala sa kanyang stage name bilang Kintab Talas ay mula sa Las Pinas City. Siya ang founder ng Good Fight Movement na itinatag niya since 2012. Naunang nakilala si Abraham bilang vocalist at founding member ng bandang Read Our Lines na binuo niya noong siya ay 17 taong gulang. Naging aktibo siya sa hardcore punk music scene noong 1999. Sa ngayon ay nagpatuloy si Kintab sa kanyang career at pag-produce ng mga hip hop projects. Bahagi rin siya ng collective rap group na Dope Music Cartel at isa ring lyricist ng Morobeats. Naging guest na rin si Abraham sa isang online radio na Jambongga ni Jug Huneyluv at Bebe Riz noong 2018. Noong nakaraang taon naman ay naging guest din si Kintab kasama ni Aklas sa Krazykyle TV. Ilan sa kanyang mga kanta ay ang “Pinsala”, “Walang Lalampas” kasama si Aklas, “Kintab ni Talas” collaboration niya with JEkk at iba pa. Si Abraham ay isa ring tattoo artist at may-ari ng tattoo shop na Sublunar Tattoo.