Icons Feed

Keep up with your idol!

Who is Kritiko

Kritiko Biography

Name: John Michael Montero Edixon
Born: April 19
Alias: Kritiko
Reppin: StarMusicPH / BheBheBoyz
Occupation: Rapper, Composer

Si John Michael Montero Edixon na nakilala sa kanyang stage name bilang Kritiko ay mula sa Paranaque. Siya ay naging finalist sa isa sa mga pinakaprestihiyosong songwriting competition sa Pilipinas, ang Himig Handog. Mula sa underground scene ay napunta sa mainstream si Kritiko nang manalo ang kanyang entry na “Kababata” sa nasabing competition ng third place sa Himig Handog 2018. Nagbunga na nga ang sipag at tiyaga ni Kritiko at bumuhos pa ang mga projects niya. Siya ang sumulat ng rap verse sa Miss Universe 2019 Catriona Grey-inspired song na “Raise Your Flag”, kasama ang Asia’s Soul Supreme na si KZ Tandingan. Nakasama rin niya ang Pinoy Big Brother Teen Edition alumna na si Loisa Andaliao sa kantang “Salamat Sa”. Naging bahagi rin siya ng theme song ng Metro Manila Film Festival 2019 entry The Mall, The Merrier na “Kay Sayang Pasko Na Naman” dahil si Kritiko ang sumulat at nagperform ng rap verse kasama sina Anne Curtis at Vice Ganda. Nagkaroon din si Kritiko ng collaboration kasama ang isa sa Original Pinoy Music icons na si Ogie Alcasid at Inigo Pascual para naman sa remix ng kantang “Do You Wanna Dance With Me”. Sa ngayon ay isa nang signed artist si Kritiko sa ilalim ng Star Music, at nagre-ready na sa paglabas ng kanyang debut EP na naglalaman ng tatlong rap-love song at collaboration kasama naman ang Queen of Teleserye Theme Songs na si Angeline Quinto.