Icons Feed

Keep up with your idol!

Who is Lazy J One

Lazy J One Biography

Name: Josel Bernarbe B. Alonzo
Born: August 11
Alias:  Lazy J One / Lazyfer
Reppin: Ika-Pitong Arko / Sapang Palay Finest Souljaz / Inked Blood Music
Occupation: Rapper, Music Arranger, Beatmaker

Si Josel Bernarbe Alonzo na nakilala sa kanyang stage name bilang Lazy J One at Lazyfer ay mula sa Sapang Palay, San Jose Del Monte, Bulacan. Nagsimula si Josel pumasok sa rap scene taong 2010 kasama ang kaibigan niyang si Eazywish at tinawag nilang Vicentes Diplomatiks ang kanilang grupo. Napasama sila sa BULACAN CLAN sa tulong ni Paoz mula sa Impluwensia Production. Dumating ang araw na ninais ni Josel na mapagyaman ang kulturan ng Hiphop sa kanilang lugar at ito ang naging susi upang maitatag ang grupong Ika-Pitong Arko. Nabuo ang nasabing grupo sa pagsasanib pwersa ng mga kapwa niya rap artist sa kanilang lugar sa Sapang Palay na kapatid din niya sa Impluwensia Production. Dahil sa sipag at tiyaga, naitayo ni Lazyfer ang kanyang pinapangarap na sariling recording studio na Inked Blood Music. Si Lazyfer ay isa ring beatmaker. Sa ngayon ay nakapaglabas na sila ng dalawang Mixtape; ang Sapang Palays Finest Souljaz Mixtape at ang Inked Blood Music Compilation Album. Ilan sa mga likhang tunog ni Lazy J One ay ang kantang “Rap For Life”, “Mabuti”, “Bangungot”, “Nalilito” at iba pa.