Icons Feed

Keep up with your idol!

Who is Marco BMG

Marco BMG Biography

Name: Marco Angelo Cruz
Born: August 1
Alias: Marco BMG, TheVirtuoso
Reppin: Bicol Music Group, Ra$kal$ Collective
Occupation: Rapper, Singer-songwriter, Event Organizer

Si Marco Angelo Cruz na nakilala sa kanyang stage name bilang Marco BMG ay tubong Bulan, Sorsogon. Unang nasulyapan natin si Marco BMG sa kanyang music video na “Millionaire” kasama si PriceTagg at Tiny Montana ng Shotsfired Entertainment noong 2014. Umani din siya ng pagkilala nang sumali siya sa FlipMusicRapStar 2015 ng FlipMusic noong October 2015 at nanalo bilang first runner up.

Lalong naging matunog ang pangalan ni Marco dahil sa pangunguna niya sa pag-organize ng Hip-Hop Festivals sa Bulan, Sorsogon. Binuo niya  ang grupong Team BadMusicGame noong April 2012 at nagsimula silang mag-organisa ng mga event katulad ng Rise of Bulan Hip-Hop taon din iyon at RapBulan nang sumunod na taon. Nasundan pa ito ng Bulan Hip-Hop Fest noong 2014 kasama nag ilan sa mga kilalang rapper na sina Harlem at Juan Lazy ng Schizophrenia, PriceTagg at Tiny Montana ng Shotsfired Entertainment. Dahil sa mainit na pagtanggap ng mga event na ito, nagkaroon pa ito ng mga kasunod na event; Bulan Hip-Hop Fest 2 taong 2016 at Bulan Hip-Hop Fest 3 nang sumunod na taon. Nitong nakaraang taon lang ay naiproduce nya ang pinakamalaking Music Festival na “Fiesta Musika” na talaga namang naging matagumpay.

Sa ngayon ay kasali si Marco sa grupong Ra$kal$ Collective. Naging contestant din siya sa BahayKatay Tournament para sa Rap Song Competition.
Ang ilan sa mga kanta ni Marco BMG ay ang “AVISO”, “Dating” at iba pa.