Icons Feed

Keep up with your idol!

Who is TD

TD Biography

Name: Leenon J. Fabre
Alias: TD
Reppin: 1109 Eleven-o-nine
Occupation: Rapper

Si Leenon Fabre na nakilala sa kanyang stage name bilang TD ay mula sa Cubao, Quezon City. Si TD ay kabilang sa grupong 1109 (Eleven-O-Nine) kasama ang anim pang mga rapper na sina Shortey, DLAN, Serial, Aem High, Rhesty at Jorhe. Ang pangalan ng grupo nilang 1109 ay hinango nila sa zip code ng Cubao kung saan silang lahat naninirahan.

Ang nasabing grupo ay aktibo rin sa mga mga gawaing pangkomunidad. Sa katunayan noong kanilang unang anibersaryo ay nagsagawa sila ng feeding program sa kanilang lugar na may temang “Busog Lusog Talino”.

Ang ilan sa mga kanta nila ay “TYPAR”, “Anino”, “Hustlin Chillin Sabay Pump” at marami pang iba.