Icons Feed

Keep up with your idol!

Who is Wrathsol

Wrathsol Biography

Name: Allen Bonifacio
Born: September 23
Alias: Wrathsol (Wrath of Solitude)
Reppin: SKRMSH Entertainment / MOROBEATS / Class of Funk Clothing Corp
Occupation: Rapper, Entrepreneur

Si Allen Bonifacio na nakilala sa kanyang stage name bilang Wrathsol ay mula sa Arayat, Pampanga. Taong 2002 nang ma-realize ni Allen na ang paggawa ng music ang passion niya. Naging bahagi siya ng iba’t ibang musical group, tulad ng pagiging vocalist niya sa bandang Dictador. Naging member din si Wrathsol ng rap group na Funk Crank at naging all battle rap emcee ng Arma Letra. Hanggang napasabak na rin siya sa pinakamalaking rap battle league na Fliptop at lumawak pa ang kanyang popularidad. Sa ngayon ay may sarili nang label si Allen na SKRMSH Entertainment, kasama ang dati niyang kagrupo na si AKT. Ilan sa kanyang mga obra ay ang kantang “Miss Pakipot”, “Mind Off Control”, “No Place To Go” at iba pa. Si Allen ay may-ari rin ng merch na Class of Funk Clothing Corp.