Icons Feed

Keep up with your idol!

Gloc 9, kumakampi nga ba kay Flow G sa kaalitan nitong si Sixth Threat ng Fliptop?

Usap-usapan ngayon ng Hip-hop fans ang palitan ng diss ng rapper na si Flow G ng Ex Battalion at ng battle rapper na si Sixth Threat ng Fliptop.

Si Gloc 9 ay kilalang malapit kay Flow G, kaya naman ang Facebook nito tungkol sa salitang “Wack” ay pinagkaguluhan ng mga nakasubaybay sa Flow G vs Sixth Threat beef.

Ayon sa mga panatiko na hindi natuwa sa post na ito ni Gloc, sana ay hindi na lamang daw ito pumanig pa sa kahit sino sa dalawa. At sa halip ay pinayuhan na lamang daw nito ang dalawang nagbabangayan.

Kaugnay ng post na ito ni Gloc sa social media, binanggit din ng ilang nagkomento dito ang tungkol sa sinabi naman ni Abaddon na kilalang malapit din sa kanya, kung saan sinabihan din nitong “wack” ang rapper na si King Promdi.

Samantala, dinepensahan naman si Gloc 9 ng mga solidong tagasuporta nito. Ayon sa isang nagkomento din sa post na ito ni Gloc, karapan daw nito bilang pioneer ng industriya na itama ang mga nagpapagulo sa Hip-hopan.

Sa tingin mo, may pinapanigan nga ba si Gloc 9 sa beef ni Flow G at Sixth Threat? Mag-iwan ng komento sa ibaba.