Icons Feed

Keep up with your idol!

Rare Mysterio, palaisipan ngayon sa Hiphop fans kung sino nga ba ang taong nasa likod nito

Sino ang taong nagatatago sa pangalang Rare Mysterio?

Mainit at pinag-uusapan ngayon ng Hip-hop fans ang bangayang Sixth Threat vs Flow G ng biglang pasukan ito ng rapper na nagpakilalang si Rare Mysterio.

Umagaw ng atensyon ng mga tagasubaybay ng Hiphopan ang istilong ipinamalas nito.

Ang kantang ginawa ni Rare na patungkol kay Flow G at Sixth Threat ay naka high pitch, kaya naman mas lalong nacurious ang mga taga pakinig kung sino ba ang taong nasa likod nito.

May mga haka-haka ang Hiphop fans na si Apekz daw ito dahil sa istilo nito ni Rare na hindi nalalayo dito. Ayon naman sa iba ay si Dello raw ito. May ilan din na nagsabi na si Damsa daw ang taong ito pero itinanggi nya rin ito. Sa tingin mo? Sino kaya ang rapper na ayaw magpakilala na nasa likod nito? Mag-iwan ng komento sa ibaba.

Pakinggan ang kantang unang nilabas ni Rare na pinagkaguluhan ng fans.