Icons Feed

Keep up with your idol!

Who is Breezy Chubs

Breezy Chubs Biography

Name: Michael Angelus Roblas Plantado
Born: March 8
Alias: Breezy Chubs
Reppin: Hustlin Records / Hustlin Disciples
Occupation: Rapper, Designer, Fratman

Si Michael Angelus Roblas Plantado na nakilala sa kanyang stage name bilang Breezy Chubs ay mula sa Naga City. Si Michael ang founder ng label na Hustlin Disciples na binuo niya taong 2013. Grade 2 pa lang siya ay nahilig na talaga siyang makinig ng hip hop song. Binigyan si Michael ng pinsan niya noon ng album ng Kruzzada. Taong 2013 nga nang itinayo ni Michael ang grupong Hustlin Disciples, ngunit nang sumunod na taon ay lumipat na si Michael sa Caloocan upang mag-aral. Hindi huminto si Michael sa pagra-rap niya, naghanap siya ng recording studio at nakilala niya si Macky Syxxx na siya ring may-ari ng Hustlin Records na label. Sa ngayon ay nasa ilalim ng nasabing label si Michael. Ilan sa kanyang mga kanta ay ang “Bagong Simula”, “Byahe”, at iba pa.