Icons Feed

Keep up with your idol!

Who is EJO

EJO Biography

Name: Earl Justine Osorio
Born: January 17
Alias: EJO
Reppin: Ibajay Black Niños / FlipTop / Pothead Territory
Occupation: Freestyle Rapper, Battle Emcee, OFW

Si Earl Justine Osorio na nakilala sa kanyang stage name bilang EJO ay tubong Ibajay, Aklan at kasalukuyang nasa bansang Cambodia. Ang alias niyang EJO ay hinango niya mula sa initials ng pangalan niya. Si EJO ay isa ring battle emcee sa rap battle league na FlipTop kung saan nakalaban na niya rito ang ilang mga kilalang emcee na sina Papew, Asser, Nikki at iba pa. Kabilang rin siya sa grupong Ibajay Black Niños, kasama ang siyam pang rap artist. Nanalo rin si EJO at itinanghal na Champion sa 16 Bars Online Rap Contest 2020 ng isang independent record label na DNBC Music Productions na sinalihan ng humigit kumulang 200 participants. Nananatili siyang aktibo at patuloy pa rin sa paglalabas ng mga bagong tunog. Ilan sa kanyang mga kanta ay ang “Move On”, “Dear Music”, “Basag Ulo” kasama sina Batang X at Disisid, at iba pa.