Who is Flict-G
Flict-G Biography |
Name: Raymond Buensuceso Rivera
Born: June 4
Alias: Flict-G
Reppin: Repablikan / Shockra / CrazyFam
Occupation: Rapper, Composer, Beatboxer, Producer, Arranger, Vlogger, Gamer, Director, Radio DJ, Entrepreneur
Si Raymond Buensuceso Rivera na nakilala sa kanyang stage name bilang Flict-G ay mula sa Mandaluyong. Si Flict-G ay nauna nating nakilala bilang miyembro ng grupong Repablikan Syndicate na sumikat dahil sa kanilang mga kantang “Kanino Ba Dapat”, “Mhine” at “Paglisan”. Isa rin si Flict-G sa legendary group na Shockra: Ang Walong Sumpa. Kasama niya dito sina Abaddon, Kial, Innozent One, Tuglaks, Smugglaz, Numerhus, at Crazymix. Kilala rin si Flict-G bilang isa sa mga batikan battle emcee sa FlipTop. Sa ngayon ay nasa ilalim si Flict-G ng isang kilalang recording label sa bansa na Sony Music Philippines. Ilan sa kanyang mga kanta ay ang “Paglisan”, “Nakakamiss”, “Aking Hiling” at marami pang iba.