Icons Feed

Keep up with your idol!

Who is Kenneth Tao

Kenneth Tao Biography

Name: Kenneth Tao
Alias: Kenneth Tao
Reppin:  XXL / Kalookal$ Muzik
Occupation: Rapper

Si Kenneth Tao ay mula sa Bagong Barrio, Caloocan City. Ang isa pang rapper na si Big Chop at si Kenneth Tao ay ang bumubuo sa Hip Hop tandem na XXL. Sila ay nasa ilalim ng independent record label na Kalookal$ Muzik. Taong ’97 nang magsimula si Kenneth na makinig ng rap music. Kasagsagan ng The 1st Philippine Rap Olympic ni Andrew E. nang ma-inspire si Kenneth na sumulat ng sarili niyang kanta at sumali sa mga rap con. Hanggang sa nagtuloy-tuloy na ang paggawa niya ng kanta. Naging member din siya ng grupong SAWAKU. Naging OFW din siya at pagbalik niya ng Pilipinas ay bumalik rin siya sa rap scene. Ilan sa mga kanta ni Kenneth ay ang “Magna Carta” featuring Kirz Ferrer, “Miztah”, at “Ating Musika” kasama si Mike Kosa at Anak ni Bakuko.