Icons Feed

Keep up with your idol!

Who is Negatibo

Negatibo Biography

Name: Emmanuel B. Magantos
Born: November 14
Alias: Negatibo
Reppin: Sinister Music / Martial Camp / Tuesday Troop
Occupation: Rapper, Recording Artist, Battle Emcee, Lyricist, International Performing Artist

Si Emmanuel Magantos na nakilala sa kanyang stage name bilang Negatibo ay tubong Imus, Cavite at lumaki sa Baesa, Quezon City. Naging passion na talaga ni Emman ang rap music taong 2005 at napabilang sa rap group na KARAYAMA na under ng Synergy Music. Napili niya ang kanyang rap name na Negatibo dahil sa mga pagsubok at mga hamon na nalampasan niya at nagpatibay sa kanya. Nagkaroon ng mga show sa mga bars sa loob at labas ng metro, pati mga out of town shows at mga TV guestings. Naging bahagi si Emman ng Martial Camp Records at nai-release ang kanyang album na Anger Management, at naging miyembro din siya ng rap group na Tuesday Troops. Naging artist din si Emman ng TALENT 5 ng TV5 under Diredtor Odie Gemora ng Talentadong Pinoy noong November 2010. Dahil dito nagkaroon ng sunud-sunod na TV guesting si Negatibo hindi lang sa nasabing network maging sa malalaking network kagaya ng Master Showman ng GMA Network at ang dating Wowowee ng ABS CBN. Nabuksan din ang oportunidad para kay Emman na makapag-tour hindi lang dito sa Pilipinas maging sa ilang bahagi ng Europe ng taong 2011 at 2012. Sumabak rin sa mga rap battle league si Negatibo tulad ng Sunugan Kalye at FlipTop. Ilan sa kanyang mga obra ay ang mga kantang “Ako ay Ako”, “Content Over Flow”, at “Balitaktakan”. Sa ngayon at aktibo si Negatibo sa pag-release ng mga bagong tracks niya at marami pang aabangan mula sa kanya ang kanyang hiphop fans.