Icons Feed

Keep up with your idol!

Who is TK

TK Biography

Name: Teodore Hufano
Born: April 2
Alias: TK
Reppin: Panda Unit / NavThugz
Occupation: Rapper, Composer

Si Teodore Hufano na nakilala sa kanyang stage name bilang TK ay nagmula sa Navotas City. Nagsimula siyang mag-rap taong 2006 kasabay ng pagkabuo ng kanilang grupong NavThugz. Kasama nila ng kapatid niyang si Chamber sa grupo ay ang tatlo pang rap artist na sina J.Weedz, Mykel Padua at PrinceKyle. Sumalang na rin ang kanilang grupo sa iba’t ibang street rap contest. Inilabas ng nasabing grupo ang unang album sa imeem.com ang “Navotas The City of Gangstaz” taong 2007 at “Laws Of Underground” makalipas ang dalawang taon. Isa ring contender si TK sa Bahay Katay Tournament Rap Song Composition kasama ang kanyang kagrupo na si J.Weedz noong 2016 sa pinamagatang EL KATAY DOS hanggang sa kasalukuyan.