Icons Feed

Keep up with your idol!

Rapper, ginawan ng kanta ang yumao nyang Nanay bilang birthday gift!

Isang nakakaantig na eksena ang finorward sa ating facebook page ng isa sa ating taga subaybay. At ito ay ang video ng isang rapper na ginawan ng kanta ang yumao nyang nanay bilang kanyang birthday gift. At ito ay kinanta nya mismo sa puntod ng kanyang nanay ng dalawin nya ito sa simenteryo.

Ang nakakahangang rapper ay pinuntahan pa mismo ang libingan ng kanyang nanay kahit pa tayo ay kasalukuyang may kinakaharap na pandemya. Panoorin ang nakakaantig na eksenang ito.

Dinagsa ng komento ang nakakahangang video na ito ng rapper. May ilan na naging emosyonal din sa kanilang napanood, mayroon din mga nagpaabot ng pagbati sa yumao nyang nanay at meron pang nang-imbita sa kanya na may ari ng isang recording studio sa Manila.

Ang rapper na ating napanood sa video ay napag alaman naming minsan narin pala naming naifeature sa aming website na iconsfeed.net at ginawan ng biography. Ito ay nung magviral din ang kanyang video sa Facebook kung saan siya ay nagrarap ng live sa isang maliit na kwarto.

Ang pangalan ng rapper na ito ay si Carl Joaquin na may rap name na WARLET at tubong Banban Surigao Del Norte.

Ang nasabing viral video ni Carl ay umani ng libo-libong likes at shares mula sa mga napabilib nya na kapwa rapper. Naifeature din sya ng iba’t ibang page at channel dahil dito. Panoorin ang kanyang video.

Anong masasabi mo rapper na ito? Magiwan ng komnto sa ibaba at huwag kalimutan na magsubscribe!