Icons Feed

Keep up with your idol!

Emman Nimedez, pumanaw na sa Edad na 27

Emman Nimedez April 3, 1993 - August 16, 2020
Emman Nimedez April 3, 1993 – August 16, 2020

Sa vlog ni Emman Nimedez noong May 17, isinapubliko nito sa kanyang YouTube channel na sya ay nadiagnoed na may roong ‘acute myeloid leukemia’, isang uri ng sakit sa dugo o blood cancer.

Sa kwento ni Emman sa kanyang vlog, noong una daw ay inakala nyang coronavirus (COVID-19) ang sanhi ng pabalik-balik na lagnat nya, hanggang sa ipinasuri na nila ito sa eksperto at nalaman na may roon pala s’yang leukemia.
Sumailalim sa chemotherapy ang singer/vlogger na si Emman, at nitong August 16 2020, ikinagulat ng lahat ang Facebook post ng girfriend ni Emman na si Peachy Santos na nagpapasalamat sa lahat ng nagdasal at nagpaabot ng suporta sa laban na kinakaharap ng vlogger. At idinetalye nito ang pagpanaw ni Emman.
Madaming celebrity, rapper at nasa kapareho nyang linya sa vlogging ang nagulat sa anunsyong ito sa Facebook page ni Emman at nagpaabot ng kanilang simpatya sa pamilyang namatayan.
Emman Nimedez hit single “Teka Lang”