Who is Syke
Syke Biography |
Name: Michael Tamparong Dolero
Born: May 4
Alias: Syke
Occupation: Visual Effects Artist, Rapper, Spoken Word Artist
Si Michael Tamparong Dolero na nakilala sa kanyang stage name bilang Syke ay mula sa Iligan City. Taong 1995 nang magwagi si Syke bilang undisputed Grand Champion sa Freestyle competition ng radio show ni Andrew E na The Drive By Show at umani ng pagkilala at respeto sa kapwa niya mga rapper. Sa parehong taon din naitatag ang Dongalo Wreckords na naging kauna-unahang independent hiphop label sa Pilipinas at nagrelease ng kanilang unang compilation album na R. A. P.- Rap Artists of The Philippines. Kasama si Syke sa mga artist na nai-feature sa nasabing album at kalaunan ay naging bahagi sila ng grupong Ghetto Doggs. Sa paglipas ng taon, si Syke ay naging bahagi ng isang independent label na Boom’s Vibestation Entertainment at nakapagrelease ng kanyang debut album na “Katas ng Kape” na naglalaman ng kanyang mga likhang tula. Sa mga hindi nakakaalam, si Syke ay isa ring magaling na visual effects artist. Ang Captain Barbell (2006), Isnats (2005) at Thelma (2011) ay ilan lang sa mga natrabaho niya. Sa ngayon ay patuloy pa rin sa pagrelease ng kanyang mga bagong kanta na talaga namang inaabangan ng kanyang hiphop fans sa kabila ng matagal na pagiging inaktibo.