Makagago, nanawagan na ipagtanggol si Skusta Clee at Flow G sa ibang lahi
Nanawagan si Makagago na kampihan si Skusta Clee at Flow G mula sa ibang lahi na umaakusa ng Plagiarism sa kanila. |
Nitong nakaraan lang ay maugong na maugong ang pangalan ni Skusta Clee at Flow G ng muling ma-issue ito ng plagiarism sa K-pop artist na BTS. Ang nasabing kanta na ginaya daw umano ng dalawa ay ang kantang pinamagatang DDAENG ng Korean artists.
Ang mga super fan ng KPOP na nagpapakilalang BTS army ay inulan ng batikos si Flow G at Skusta Clee at nagtrending pa sa twitter ang hashtag na #SkustaCleeIsGoingToJailParty. At ayon pa sa kanila ayt nagemail na ang mga ito sa record label na humahawak sa Korean group para ipagbigay alam ang ginawa ng dalawang Pinoy rapper para maaksyunan daw ang ginawa ng mga ito. At panakot pa ng ilan ay hindi daw basta basta ang label na ito dahil mahigpit ito pagdating sa copyright.
Ang issue na ito ay umabot na din sa GMA News at ginawan ito ng article sa kanilang website. May kumakalat din na ilang larawan mula sa korean news article na nafeature narin ang issue na ito.
Samantala, nagbigay naman ng pahayag ang management ng Ex Battalion at itinanggi ang alegasyon na ito ng mga BTS Army, ayon sa kampo ng EXB ang kantang Deym at ang DDAENG ng BTS ay magkaiba. Sinabi din ng Management ng grupo na si Skusta Clee ay wala din daw partisipasyon sa pagbuo ng kanta na iyon, lumabas lang daw ito sa music video para i-model ang nasabing brand ng damit.
Dumepensa din ang rapper na si Flow G sa mga alegasyon na ito ng BTS Army. Aniya, gumamit sya ng generic flow at generic words at generic beat na pinagawa nya umano kay Flip D para sa promotion ng sarili nyang brand ng damit.
Nagbigay din ng pahayag ang girlfriend ni Flow G na si Angelica at sa pahayag nya na ito ay sinabi nyang hindi nya pa daw napapakinggan ang kantang ito ng BTS na tinutukoy ng BTS army. Sinabi nya rin na nanduon daw sya noong ginagawa daw ang kantang ito at para sa kanya daw ay kung may pagkapareho man ang kantang ito ay unintentional daw ito o hindi sinasadya at humihingi din ito ng paumanhin.
Dagdag pa ni Angelica, nalugi daw sila ng Million dahil sa nangyaring issue na ito pero ok lang daw iyon.
Ang producer ng ng kantang Deym na ito ni Flow G ay nagbigay din ng pahayag sa pamamagitan ng kanyang social media post at sinabi ng producer na ginawa lang ito para ipromote yung brand ng damit ni Flow G.
Ang kilalang vlogger na si Makagago na dati naring nakaaway ng grupong Ex Batatlion ay nagbigay din ng pahayag tungkol dito sa kanyang vlog at binanatan si Skusta Clee.
Sa vlog na ito ni MG ay inakusahan nya si Skusta Clee na isang magnanakaw na nasa ibang level na daw umano. At hindi rin nakaligtas ang producer nito na si Flip D na tinawag nya namang “Kupal na Ulol”. Pero aminado rin naman sa Mark Jayson na may pinaggagayahan din sya ng mga kanta nya.
Samantala, sakabila ng panguusig na ito ni Makagago dahil sa kinasangkutang issue ni Skusta Clee at ng producer nito, pinuri din nito ang dalawa na napakagaling sa kani-kanilang ginagawa.
Sa kabila ng mga sinabi na ito ni Makagago kay Skusta Clee at sa Producer nito, naniniwala naman si Makagago na hindi makukulong ang mga ito ng dahil dito. Sinabi din ni Makagago na hindi sya natatakot sa mga BTS Army, at tinawag ang mga ito na dosenang baby bra warriors. Panoorin ang clip na ito.
Sa vlog na ito ni Makagago ay sinabi nyang si Skusta Clee at si Flow G daw ay malaki ang kasalanan sa kanya pero ipinaliwanag nya dito kung bakit kailangan nating ipagtanggol ang dalawa mula sa ibang lahi. Ikunuwento dito ni Makagago sa kanyang vlog ang naging experience nya bilang OFW kaya naman dito sya na inspire kung bakit kailangan nating kampihan ang dalawa.
Anong masasabi nyo sa mga sinabi na ito ni Makagago? May punto din ba sya dito? Icomment sa ibaba at pagusapan natin.