J-Skeelz, timbog sa isang buybust operation sa Candelaria, Quezon!
Huli sa isang buybust operation ang battle rapper na si J-skeelz aka Roberto Boy Paos! Ayon sa ipinost ng Candelaria Mps Qppo Facebook page na trending ngayon sa social media.
Sa inilabas nilang press release sa social media, inaresto nila si Jason Yap Rodriguez aka J-Skeelz, 37 taong gulang na nakatira sa Gagalangin Tondo, Manila sa paglabag sa Sec. 5 at 11 ng RA 9165 o pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot sa isinagawa nilang buybust operation noong November 7, 2020 sa ganap na ika 3:30 ng madaling araw sa Quezon Premiere Hotel, Barangay Masin Sur, Candelaria Quezon.
Nakuhanan si J-skeelz ng isang transparent plastic sachet na naglalaman umano ng ipinagbabawal na gamot, isang 1000 peso bill na ginamit bilang buybust money ng isang pulis na umaktong poseur-buyer at dalawang heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman din umano ng bawal na gamot.
Matapos naman ang inventory sa nakuha sa battle rapper ay agad naman itong dinala sa Quezon Provincial Crime Laboratory Office para sa kaukulang pagsusuri. Ang nasabing operation ay naging positibo narin daw umano dahil sa pakikipagtulungan ng residente sa nasabing lugar.
Ang Fliptop rapper na si J-Skeels ay kasalukuyang nakapiit ngayon sa Custodial Facility ng Candelaria Municipal Police Station.
Hindi lang si J-Skeelz ang battle rapper na nahuli sa isang buybust, matatandaan na ang most viewed battle rapper sa Fliptop na si Loonie ay nahuli din sa isang buybust operation sa Makati last year (September 18, 2019) pero itinatanggi nila na kanila ang mga nakuha sa mga ito. read the article