Icons Feed

Keep up with your idol!

Top Pinoy Diss Tracks

Parte na ng Rap Game dito sa Pilipinas ang tinatawag nilang “DissTracks”. May ilang local artist na nagkakapalitan ng disstracks na parehong nagbe-benefits dito at may ilan namang nagkakapikunan at humahantong pa sa personalan at pisikalan. May mga pagkakataon din na ito ay umaabot pa sa demandahan at sa katunayan, mayroon nang rapper na nakulong ng dahil dito.

Ang tinatawag na diss track o diss song ay isang uri ng rap music kung saan, ang nilalaman ng lyrics ay agresibo na pang-atake sa kalabang grupo o artist. May mga pagkakataong binabanggit mismo ng artist kung sino ang tinutukoy nya sa kanta, pero madalas ay pahapyaw o pahaging lang talaga.Kung isa ka sa mga naaliw, nahihilig o laging nakaantabay sa mga nangyayaring palitan ng diss ng mga iniidolo nating local artists, gumawa kami ng collection nito sa pamamagitan ng playlist sa Spotify at YouTube para sayo.

Spotify (Updated)

YouTube (Updated)

Kung may alam kayong quality disstrack na pwede nating maisama sa mga playlist natin na ito iwan nyo lang ang link sa ibaba.