Icons Feed

Keep up with your idol!

King Badger, nakuha na namang mambabae ayon kay Jelai Andres

Nitong nakaraan ay trending at nagingay nang husto ang rant ng ate ni Jelai Andres na si Candy Andres Monroe sa social media, tungkol sa Ex Battalion member na si King Badger.

Ang Facebook post na ito ay hindi lang basta pa-blind item o pahaging dahil minention nya pa mismo ang tunay na pangalan ni King Badger sa kanyang social media post. Kung saan sinabihan nya ito na kapag nagkasakit daw ito ay wag daw hihingi ng tulong sa kanila at sa halip daw ay doon humingi ng tulong sa pinakatago-tago nitong kabit.

Kompirmadong may pinagdadaan ang JOLAI dahil maging ang asawa ni King Badger ay naglabas narin ng kanyang saloobin sa mga post nito sa twitter.

Si King Badger, ay sumasagot din sa mga posts ng mga pangiinsulto sa ate ni Jelai na agad nya din binura. Kung hindi mo na naabutan ang mga sagot ni King Badger sa issue at gusto mong malaman kung ano ang mag sinabi nito, panoorin ang video na nasa ibaba.