Icons Feed

Keep up with your idol!

Billy Jack Sanchez, may mensahe sa sumunog ng kanyang motor

Hindi makapaniwala ang rapper/vlogger na si Billy Jack Sanchez sa nangyari sa kanyang motor sa harap mismo ng inuupahan nyang bahay. Naging emosyonal si Billy sa kanyang latest video kung saan ikinuwento nito ang ginawang pagsunog ng di pa nakikilalang salarin.

Ayon sa kanya, ang motor na ito ay ang katangi-tangi nyang ginagamit para makapag paabot ng tulong sa mga naninirahan sa kabundukan.

Nababash ang rapper/vlogger na si Billy dahil sa halip daw na apulahin nito ang apoy sa nasusunog nyang motor ay mas inuna pa daw nito ang magvideo. Kaya naman, gumawa sya ng panibagong video kung saan, binanatan nya naman ang mga nambabash sa kanya online. Panoorin ang video na nasa ibaba.