Icons Feed

Keep up with your idol!

Gloc-9’s Poot at Pag-ibig album, usap-usapan ngayon sa social media!

Kasabay ng araw ng mga puso ay pinag-alab tayo ni Gloc-9 o Aristotle Pollisco sa kanyang latest EP na Poot at Pag-ibig na nagsasalarawan ng iba’t ibang mukha ng pag-ibig. Marami ang mga napabilib na naman ng ating makata sa Pinas dahil sa mga kakaibang twist ng sa mga huling parte ng kanyang mga kanta. Bukod pa rito ang mga mensaheng iniiwan ng bawat track ang nagiging dahilan kung bakit tumatak ang mga ito sa mga hiphop fans.

Narito ang anim na track na kabilang sa Poot at Pag-ibig:
Ang kantang Alitaptap ay tungkol sa paglimot sa sumpaan at pagtitiis para sa minamahal. Pagiging delusyonal naman ang nilalaman ng Oka. Kwento naman ng isang nagmamahal na nananabik ang Sana. Ang Payong naman ay tungkol sa pagsusumikap hanggang maabot ang pangarap. Hindi pagsuko sa mga hamon ng buhay ang tema ng Di Marunong at ang B. P. B. o Bulag, Pipi, Bingi ay tumatalakay sa mga karanasang nais talikuran o kalimutan ng isang tao na namulat sa kahirapan.

Ang nilabas na ito ni Gloc 9 ay makikita din na ginawang banner ng Spotify na ipinagpasalamat naman nito sa kanyang twitter post.

https://twitter.com/glocdash9/status/1364865052575076359?s=20

Ang EP na ito ni Gloc-9 ay collaboration niya sa kanyang kambal na sina Elle Shaun at Danie, at sa mga bagong artist na sina Loir, Arvy T, Yeg ng Sandiwa at si Perf de Castro.

Kasabay ng release ng EP na ito ni Gloc ay ang pag-introduce niya kay Loir bilang pinakabagong miyembro ng Asintada, isang artist management na hawak ng kanyang asawa na si Thea. Si Loir ay kasama ni Gloc sa kanyang track na Oka at Sanib. Pakinggan ang anim na kantang nilalaman ng release ni Gloc sa kanyang YouTube channel.