Icons Feed

Keep up with your idol!

Who is Alisson Shore

Real Name: Emmanuel Sambayan
Alias: Alisson Shore
Birthdate: January 17
Reppin: Local
Occupation: Singer, Songwriter, Producer, Beatmaker, Street Entrepreneur

Alisson Shore Biography

Si Emmanuel Sambayan na nakilala sa kanyang stage name bilang Alisson Shore ay mula sa Manila. Nagsimula ang musical career ni Emmanuel bilang vocalist at lead guitarist ng isang metal band. Isa rin siya sa mga nasa likod ng hit song ni Sarah Geronimo na Tala, bilang songwriter, na patunay lang sa kanyang talento sa iba’t ibang genre ng musika. Kakaiba rin ang style ni Alisson na mix ng lo-fi at R&B beats kaya naman nagstand out talaga siya sa ibang artist para sa mga tagahanga niya. Masasabing isa sa mga upcoming artist ngayon si Alisson na inaabangan ng mga fans dahil na rin sa kanyang mga kantang tumatalakay sa failed relationships at bad chemistry. Ang mga album niyang Nais Kong Umimik (Leaked Version) at Internet at Night ang nagpasikat ng husto kay Alisson.

Ang kanta niyang Urong Sulong kasama si Kiyo, Violet, Tamis, Polaroid at Hanggang sa Huli ay maaring mapakinggan sa Spotify at iba pang streaming platform.