Icons Feed

Keep up with your idol!

Who is Because

Real Name: Bernard Jose Castillano
Alias: Because
Born: August 1
Occupation: Rapper, songwriter

Because Biography

Si Bernard Jose Castillano na nakilala sa kanyang stage name bilang Because ay mula sa Tondo, Manila. High school student si Because nang mapasali at maging bahagi ng isang banda bilang vocalist at keyboardist. Ang kanyang alias na Because ay hango sa dating tawag sa kanya ng mga kaibigan na BJ Cas. Ayon pa sa kanya ay isa siyang trap-soul artist, combination ng pagkanta at pagrarap.

Ang naging susi sa biglaang pagsikat ni Because ay ang track niyang Marlboro Black na kasama sa 13-track first album release niyang Heartbreak SZN at ngayon ay may 38 million hits na sa YouTube. Kasama sa nasabing album ang Sandali, OTW na isa sa mga pinakapaborito ng mga fans at ang Gilid. Ang collaboration track naman niya na Pwedeng Ayusin Natin ‘To kasama si Skusta Clee ang latest release ni Because ay available na sa Spotify.