Icons Feed

Keep up with your idol!

Who is Dredd

Name: Alfred Villamor Dongon
Birthdate: January 23
Died: March 11, 2021
Alias: Dredd the Chosen One, Makarios Dredd
Reppin: Renegade Souljaz
Occupation: Rapper, Composer, Mountaineer

Si Alfred Dongon na nakilala sa kanyang stage name bilang Dredd ay isa sa mga sinaunang Pinoy rapper na nagmula sa Valenzuela City. Halos lahat ng batang 90’s ay sila ang mga unang local rap artists na pinapakinggan. Halos lahat ng mga sikat na rapper na kasabayan nila ay nakasama narin nila sa kanilang mga releases, tulad nila Gloc 9, Hi-Jakkk, Kane ng BNK at iba pa. Si Dredd ang nagtayo ng grupong Renegade Souljaz kasama ang kanyang kapatid na si Xavia, St. Avell at G-ward. Siya ang nasa likod ng Cardiac Arrez at Brothaz 4 Life. Isa ring mountaineer si Dredd at may malasakit sa kalikasan. Ang Apocalypse 2000, Rough and Rugged, Written Language at Mistah EP ay ilan lamang sa kanilang mga released album na nasa ilalim naman ng record label na Viva Records Corporation.