Icons Feed

Keep up with your idol!

Who is EZ Mil

Real Name: Ezekiel Miller
Alias: EZ Mil
Birthdate: July 27
Reppin: Dongalo
Occupation: Rapper, songwriter

EZ Mil Biography

Si Ezekiel Miller na nakilala sa kanyang stage name bilang EZ Mil ay tubong Olongapo City at kasalukuyang naninirahan sa California sa Amerika. Pinaingay ni EZ Mil ang hiphop scene sa pamamagitan ng malupit na live performance niya ng kanyang kantang Panalo sa Wish Bus. Sa katunayan ay nakahakot na ito ng 54 million hits sa YouTube. Dahil sa mensaheng makabayan ng kantang ito ni EZ Mil kaya naman naging mainit ang pagtanggap sa kanya ng hiphop fans sa kabila ng pagkakaroon niya ng mga basher. Sa mga hindi nakakaalam, anak siya ng vocalist ng bandang Rockstar na si Paul Sapiera, na siyang nagpasikat sa mga kantang Parting Time at Mahal Pa Rin Kita at ito rin ang naging daan para mamulat nang maaga si EZ Mil sa larangan. Ayon pa sa kanya ay si Chris Brown, Eminem at Gloc-9 ang biggest musical influences niya sa kanyang mga musika. Ilan sa kanyang mga kanta ay ang Far Away From Home, Lonely Days, Laboy, Easy Going Millions at Superly Real na parte ng kanyang album na Act 1 na maari nang mapakinggan sa Spotify at iba pang streaming platform.