Icons Feed

Keep up with your idol!

Who is Ghetto Gecko

Real Name: Lou Ashley Isidro
Alias: Ghetto Gecko, Antuking Hamog, Swash Boinks
Birthdate: July 20
Reppin: 1096 Gang, Utak Berde
Occupation: Rapper, Entrepreneur

Biography

Si Ghetto Gecko ay mula sa Mandaluyong. Ang alias niyang ito ay hango sa Ghetto na iskwater o anak mahirap sa tagalog at Gecko na isang uri ng hayop na nakuha ang interes niya. Kabilang si Ghetto sa collective group na 1096 Gang ng trending na track na Pajama Party, kasama sina Luci J, Polo Pi, Youngwise, at Guddhist. Tulad nga ng pangalan niya ay lumaki si Ghetto sa lugar ng mga iskwater at naranasang mamuhay sa lansangan. Ito ang nagbigay inspirasyon sa kanya sa paggawa ng mga likhang obra niya. Ito rin ang nagsilbing gabay ni Ghetto sa kinalalagyan niya ngayon maging ang patutunguhan niya sa hinaharap. Ilan sa mga natatanging likha ni Ghetto ay ang kantang Underworld featuring Trvmata at Maki Terno, Kamalayaan, Ginto kasama anng kagrupo niyang si Guddhist, at ang latest release niyang Paglinugun na maari nang mapakinggan sa kaniyang YouTube Channel.