Icons Feed

Keep up with your idol!

Who is Guddhi$t

Real Name: Ugat-Likha Gunatita
Alias: Guddhi$t
Birthdate: February 15
Reppin: 1096 Gang, GUDDS
Occupation: Rapper, Street Entrepreneur

Biography

Si Ugat-Likha Gunatita na nakilala sa kanyang stage name bilang Guddhi$t ay mula sa Mandaluyong. Siya ay isa sa limang miyembro ng grupong 1096 Gang na nagpasikat ng kantang Pajama Party (Cypher 1). Taong 2018 nang magsimula si Guddhist sumulat ng mga kanta, dala na rin ng hilig sa musika ng kanyang ama. Sa kasalukuyan ay hinahangaan si Guddhist ng maraming hiphop fans dahil sa mga obra niyang nakakapagpagaan ng kalooban at nagbibigay ng pag-asa sa mga nakikinig. Si Guddhist ay isa ring spiritual artist at practitioner na ang goal ay ialay ang kanyang sarili at musika sa mundo sa pamamagitan ng pagpromote ng PMA o Positive Mental Attitude. Ilan sa mga likha ni Guddhist na maaring mapakinggan sa mga streaming platform ay ang Ginto, Dalampasigan kasama si Loir, Lakbay, Misyon, at ang latest release niyang Tagsibol Taglagas.