Icons Feed

Keep up with your idol!

Who is Jamsam Rastah

Name: Erwin Factoran Guina
Alias: Jamsam Rastah
Birthdate: April 22
Reppin: Reggae Music
Occupation: Singer, Performer, Stand up Comedian

Si Erwin Factoran Guina na nakilala sa kanyang stage name bilang Jamsam Rastah ay mula sa Bacoor, Cavite at anak ng yumaong si Blakdyak. 5 taon pa lang daw si Erwin ay nagpakita na ito ng interes sa pag awit at sa edad na 12 ay natuto na ito tumugtog ng gitara. Dahil sa angking talento niya sa pagkanta at pagperform, si Erwin ay sumali sa ilang mga kompetisyon sa TV tulad ng Papa Pogi sa noontime show na It’s Showtime, Philippine Idol, Mr. Pogi 2 sa Eat Bulaga, at naging Grand Finalist sa TV show na Mr. Suave at Totoy Bibo. Lumabas din si Jamsam sa Wowowin bilang isa sa mga contestant. Unti-unti siyang nakilala dahil sa sunud sunod na TV exposure at nagkaroon ng pagkakataong makapagperform sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Ilan sa kanyang mga kanta ay ang “Whatever”, “I-Post Mo Yan!” at iba pa. Si Jamsam ay aktibo pa rin sa paggawa ng kanyang mga musika sa kasalukuyan.