Icons Feed

Keep up with your idol!

Who is Karencitta

Name: Karen Ann Rodriguez Cabrera
Alias: Karencitta, Karedad
Birthdate: October 5
Occupation: Recording Artist, Songwriter, Actress, Performer, Product Endorser

Si Karen Ann Cabrera na nakilala sa kanyang stage name bilang Karencitta ay tubong Sydney, Australia at kasalukuyang naninirahan sa Cebu City. Sa murang gulang ni Karen ay nagpamalas na siya ng talento sa pamamagitan ng pagsali sa mga beauty at talent contest. Apat na taong gulang siya nang una siyang lumabas sa TV, sa noontime show na Eat Bulaga sa Little Miss Philippines at naging Grand Finalist bilang Little Miss Friendship 2000.

Taong 2015 nang makuha ni Karen ang leading role sa isang movie at nagsilbing debut niya sa kanyang career. November naman ng sumunod na taon nang nagsimula siyang mag upload ng mga short-form comedy skits sa Facebook at naging viral online sensation. Sa ngayon ay mayroon ng 50,000,000 hits ang mga nasabing video ni Karencitta at libu-libong follower sa kanyang mga social media account.

Pumutok din ang kanyang pangalan nang magguest si Karen sa isang radio station at nagpahayag ng disappointment dahil sa madalang na pagplay ng mga OPM songs on air.

Sa ngayon ay umani na ng 23 Million hits ang kanta niyang Cebuana sa YouTube. Ang kantang BamBamBam, Good Night, at No Apology ay ilan lamang sa mga released track ni Karen na maari mapakinggan sa iba’t ibang platform online.