Icons Feed

Keep up with your idol!

Zeinab, ikinwento kung paano sila nagkakilala ni Skusta Clee

Pinakilig ng tambalang ZeiRyl ang kanilang mga fans sa vlog na inupload ni Daryl sa kanyang YouTube Channel kung saan ikinuwento nilang dalawa ni Zeinab ang mga istorya sa likod ng mga picture na kuha noong bago pa lang silang magkarelasyon. Inisa isa at binalikan ni Skusta Clee ang mga nangyari kaugnay ng mga kuhang larawan, maging ang panahon kung saan madalas ang pagaaway bati nilang dalawa.

Ikinwento din ni Zeinab kung paano sila nagkakilala at naging magkarelasyon ni Daryl, maging ang pangungulit nito na sagutin niya. Pati na rin ang pagsama palagi ni Zeinab kay Skusta Clee sa mga gigs nito noon dahil gusto raw nyang siya ang nag aalaga dito. Inalala din ng dalawa ang mga naging away nila at katoxican sa isat isa nang magsimula silang maglive in.

Ayon rin kay Zeinab ay sobrang saya raw nya dahil sa wakas ay hindi na nila kailangang itago pa sa publiko ang kanilang relasyon, lalo na ngayong malapit na nilang makita at makasama ang kanilang baby girl.

December nang nakaraang taon nang ireveal ni Zeinab na nagkabalikan na sila ni Skusta Clee aka Daryl Ruiz at kasalukuyang nagdadalangtao sa anak nito.

Maraming fans ang naging masaya para sa dalawa, lalo na raw ang kanilang malalapit na kaibigan tulad na lang nina Archie dela Cruz aka Flow G at girlfriend nito.