Icons Feed

Keep up with your idol!

Who is Madam Inutz (aka Daisy_Licious Ukay)

Madam Inutz Daisy Cabantog Daisy Lopez Daisy Licious Ukay

Real Name: Daisy Cabantog
Birthdate: November 20
Alias: Madam Inutz, Daisy Lopez
Occupation: Online Seller, Social Media Sensation, Product Endorser

Madam Inutz Biography

Si Daisy Cabantog na nakilala bilang Madam Inutz ay mula sa Amadeo, Cavite. Sumikat si Daisy dahil sa kanyang online selling sa Facebook. Ito ay nang maglive sya para magtinda at nagkaroon nang libu-libong viewers nang walang bumibili. Marami ang natuwa sa kanya at sa halip na magmine ng kanyang paninda ay nagsend ang mga ito sa kanyang GCash account. Inspirasyon ni Daisy ang kanyang Nanay na maysakit sa kanyang pagbebenta online kaya naman kahit ilang ulit nang na-report ang kanyang account ay hindi sya tumigil sa kanyang pag oonline selling.

Si Daisy ay naunang pumirma ng kontrata sa Star Image noong biglang pumutok ang pangalan nya sa social media, na kalaunan ay inalisan nya dahil sa payo sa kanya ng ilang sikat na vlogger at influencer, pati narin ng mga taong malalapit sa kanya.

Sa kasalukuyan ay nasa pangangalaga sya ng Talent Manager na si Wilbert Tolentino. At ayon pa mismo kay Madam Inutz ay maglalabas sya ng single na pinamagatan nyang “INUTIL” na bahagi ng kanyang projects sa ilalim ng management na ito.