Icons Feed

Keep up with your idol!

Nico aka AKT, magkano daw muna bayad para lumaban ulit sa Fliptop

Nico aka AKT

Nashock ang lahat sa naging performance ng battle rapper na si Nico aka AKT sa naging laban nila ni Poison13 sa Fliptop.

Talo sa laban na ito si AKT pero ang mga sinabi nya sa battle na ito ay talagang nagtrending sa social media. Dito ay inanunsyo nya na huling laban nya na ito sa Fliptop at ang pinakapinagusapan na sinabi nya ay ang mga binitawan nyang punchline na para kay Anygma.

Ang ginawa na ito ni AKT ay umani ng ibat-ibang reaksyon, may mga pumanig kay Nico at mayroon ding mga nadismaya sa kanya.

Pagkatapos ng mga nangyari ay ininterview sya ng kapwa battle rapper na si sir DEO at nang tinanong kung sakaling bibigyan pa sya ng pagkakataon ni Anygma na makasalang pa ulit sa Fliptop ay sino ang gusto nitong makaharap, at ang response dito ni AKT ay tinanong nya din ito kung magkano muna ang ibabayad sa kanya. Panoorin ang buong istorya sa video na nasa ibaba.

Mapapanood din ang video na ito sa Facebook