Icons Feed

Keep up with your idol!

Founder ng Fliptop na si Anygma, ayaw na nga bang kausapin si AKT?

Kamakailan lang ay trending at usap-usapan ang rapper na si AKT sa internet, dahil sa mga naging banat nito kay Anygma sa kanyang huling laban sa Fliptop, kontra kay Poison13.

Kontrebersyal ang naging laban na ito dahil maging ang nagtayo ng Fliptop na si Anygma, ay dinamay ni AKT.

Matatandaan na ilan sa mga taga subaybay ng liga na ito ay hinangaan ang rapper na si AKT at may ilan namang kapwa nya rapper ang nadismaya sa ginawa nitong pamamahiya kay Aric at sa buong Fliptop at isa na nga dito ang rapper na si Sinio. Panoorin ang pahayag ni Sinio

Matatandaan din na inanunsyo na ni AKT na hindi na sya lalaban pa ulit sa Fliptop at muling magfofocus na lamang sa kanyang career bilang Psychologist. Pero nito lang nakaraan, sa kanyang live video, ay inanunsyo nitong muli syang sasabak ng freestyle at ang makakalaban nya ay ang rapper na si RighteousOne pero hindi na sa Fliptop.

Sa video na ito ni AKT ay natatawa din nyang sinabi na hindi na sya umano ni rereplyan ni Anygma sa messages nito sa kanya. At dito ay ibinida nya rin na maganda daw umano ang bigayan sa Sunugan, at mayroon pang kontrata. Panoorin ang video sa ibaba.

Anong masasabi mo sa pahayag na ito ni AKT?

Para sa iba pang Balitang Hiphop, i-follow lang ang aming Facebook page o ang aming YouTube channel na Icons Feed!