Miguelito Malakas aka Haring Manggi, arestado sa Imus Cavite dahil sa ilegal na droga
Timbog sa manhunt operation ang rapper na si Miguelito Malakas aka Haring Manggi o Daniel Miguel Migallen Naguit sa totoong buhay dahil sa kasong may kaugnay sa ilegal na droga.
Ang Pulis na umaresto kay Haring Manggi ay nagpanggap na buyer ng binebenta nitong bonnet at nakipag kita sa isang mall sa Imus Cavite. At doon narin isinagawa ang pagaresto sa kanya sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Hon. Edilwasif Tapsiri Badirri, presiding Judge ng RTC Branch 115 Pasay City noon pang December 27, 2021.
Ayon sa ulat, nakulong na daw si Manggi noon at nagpyansa para sa pansamantalang kalayaan, ngunit simula noon ay hindi na raw umano ito sumisipot sa mga pagdinig o hearing ng kaso nito na may kinalaman sa ilegal na droga. Dahilan para muling arestuhin ng awtoridad ang rapper.
Pero paliwanag naman ni Haring Manggi, hindi raw sya nagtatago at alam daw ito ng mga tao. Wala lang daw umano siyang natatanggap na mga dokumento.
Si Miguelito Malakas aka Haring Manggi ay kasalukuyang nakapiit ngayon sa custodial facility ng Pasay Police Station ayon sa awtoridad. Para sa update tungkol dito, ifollow lang ang aming Facebook Page o di kaya ay magsubscribe lamang sa aming Youtube Channel na Icons Feed.