Icons Feed

Keep up with your idol!

Who is Kiyo

Kiyo biography

Real Name: Yukihiro Rubio
Born: November 10
Alias: Kiyo, Oyik
Occupation: Rapper, songwriter

Kiyo Biography

Si Yukihiro Rubio na nakilala sa kanyang stage name bilang Kiyo ay isang rapper, songwriter na tubong Navotas City.

Nakilala at naging popular si Kiyo dahil sa kanyang signature emotional at Lo-Fi style rap music. Tinangkilik din ng masa ang mga kanta ni Kiyo dahil sa mga nakaka-inspire na mga mensahe ng lyrics nito.

Lalo pang pumutok ang pangalan ni Kiyo dahil sa pagkakaroon nya ng mga sunud-sunod na guestings sa iba’t ibang mga event at isa na nga dito ang Rekta Sa Kalye na nagbigay sa kanya ng break. Ilan sa mga sumikat nyang awitin ay ang “Ano Na“, “Urong Sulong” kasama si Alisson Shore, “G” at marami pang iba. Sa kasalukuyan ay patuloy na nagaambag si Yukihiro ng mga obra nya sa local rap scene.

Controversy

Nang magtrending ang kantang “Baby Ko Si Kulot” dahil sa pambabash ng netizen, isa si Kiyo sa mga nakigulo dito. Ang status update ni Kiyo patungkol sa kantang ito na may kasamang pagmumura sa mga baguhang artists na ito ay nakarating sa kanila. Nagpahayag ng sama ng loob ang mga kumanta nito at sinabihan si Kiyo na nagkamali sila ng pag-idolo sa kanya. Mapapanood ang tungkol dito sa YouTube playlist na ito: Kiyo Topic