Gloc-9, binalikan ang Limang Kanta na inilabas nya noong nagsisimula palang sya
Ibinalik tayo ni Gloc-9 o mas kilala bilang Aristotle Pollisco sa taong 2006 panahong inilako niya ang mga CDs niya na naglalaman ng limang track at nagsisimula pa lamang siya sa industriya. Ini-upload niya ang mga obra niyang ito sa kanyang YouTube Channel at pinamagatang 5 Kanta Lang o 5KL bilang handog niya sa mga fans niyang hindi ito napakinggan dahil 500 lamang daw na copies ang meron siya noon.
Tinawag namang isa sa pinakaimportanteng moment sa buhay ni Lester Vano aka Klumcee ang pagkakataong ibinigay sa kanya ni Gloc-9 na makagawa ng beat para dito. Napakamemorable rin daw ng panahong iyon dahil saksi daw si Klumcee nung time na rumerekta daw si Gloc sa mga tao magbenta ng mga dala niyang CDs. Ito rin daw ang nagsilbing gasolina niya sa paggawa ng music, kahit na hindi pa siya isang ekspertong musikero.
Ayon naman kay Gloc ay kalahati daw ng Beatmonx si Lester na bumuo ng 5KL. Alam daw ng Makata sa Pinas na magiging malupit na producer daw ito at hindi daw siya nagkamali, patunay ang mga kantang Hoy, Norem at Nadarang kasama ang lahat ng hits ni Shanti Dope, Loonie at Ron Henley.