Icons Feed

Keep up with your idol!

Kiyo, binalikan ng kumanta ng ‘Baby Ko Si Kulot’ matapos nya murahin sa social media

Trending sa social media ang kantang “Baby Ko Si Kulot” ng Guthben Duo featuring Tyrone ng Hiprap Fam. Kapansin pansin din na tila inuulan ng pang babash ang mga artist ng music na ito sa comment section ng kanilang video sa YouTube at kabilaan din ang memes na naglabasan tungkol dito.

Ang rapper na si Kiyo ay isa sa mga nakigulo sa trend na ito kung saan minura nya sa kanyang status update ang artists ng nasabing kanta.

“Oo nga p****** mo guthrie nikolao benidic fragata II” caption ng Facebook post ni Yukihiro Rubio.

Samantala, nagreact naman ang rapper na si Jenn Rick Mendoza aka Tyron ng makarating ang posts na ito ni Kiyo sa kanya at sinabihan itong “magaling ka na eh, Murahin mo na lang yung obra ng mga nagsisimula pa lang, di ka naman dumaan diyan kase magaling ka na agad”

Pero ayon padin kay Tyron sa kanyang FB post ay idol nya parin daw ito.

Napakinggan mo naba ang trending song na nabanggit sa itaas? Anong masasabi mo sa ginawa na ito ni Kiyo? Magiwan ng iyong komento sa ibaba.