Icons Feed

Keep up with your idol!

Loonie, naglabas ng bagong kanta kasama si JRoa!

Nitong nakaraan lang ay muling pinainit ni Loonie ang eksena ng hiphop sa pamamagitan ng kanyang latest release na Eskapo kasama si JRoa. Umani ng iba’t ibang opinyon ang kantang ito ni Marlon na karamihan ay nagpahayag ng paghanga sa mga binitawan nyang multi at malalalim na mensahe sa lyrics.

Ang kantang ito ni Loonie ay tumatalakay sa mga pagsubok o struggle ng mga taong kasalukuyang may pinagdadaanang depression. Marami sa mga nakarinig ng kantang ito ng Hari ng Tugma ay talaga namang nakarelate dahil na rin sa hirap ng sitwasyon ng mga tao dahil sa pandemya. Pakinggan ang kantang ito sa ibaba.