Icons Feed

Keep up with your idol!

Skusta Clee, binira nga ba ang Salbakuta sa kanilang vlog na kasama si Flow G, Pastilyas Girl at Zeinab?

Nitong nakaraan ay usap-usapan ng Hip-hop fans ang inilabas na vlog ni Daryl Ruiz aka Skusta Clee sa kanyang channel kung saan, tinanong sya ni Archie Dela Cruz aka Flow G, kung sino ang pinaka bano na rapper sa Pilipinas, para sa kanya.

Mabilis na sinagot ni Daryl ang tanong na ito ni Archie at inisa-isa pa ang mga pangalan nito. Pero kahit nakacensor ang vlog nila na ito, alam narin agad ng ilang mga nagkomento dito kung sino-sino ang mga tinutukoy nila dito.

Matatandaan na matagal nang may girian ang oldschool at newschool rapper at ang isa sa mga sikat na grupong bumabanat kanila Skusta Clee ay ang grupong Salbakuta, kaya marahil, ito rin ang naging “hint” ng mga nagkomento dito, kung sino ang mga rapper na binabanggit nila sa video.

Sa tingin mo? Si Jawtee, Madkilla at Charlie Mac (Salbakuta) nga ba ang tinutukoy ni Skusta Clee sa video? Panoorin ang naging girian ng oldschool at newschool sa video na nasa ibaba.