Icons Feed

Keep up with your idol!

Who is Klumcee

Real Name: Lester Vano
Alias: Klumcee
Birthdate: August 23
Occupation: Music Producer, Songwriter, Beatmaker, Sound Engineer

Klumcee Biography

Si Lester Vano na nakilala sa kanyang stage name bilang Klumcee ay mula sa Manila. Si Klumcee ang may-ari ng independent record label na Young God. Ayon sa kanyang facebook post, ang pagkakataon daw na ibinigay sa kanya ng Makata sa Pinas na si Gloc-9 ang nagsilbing gasolina niya noong mga panahong nagsisimula pa lamang siya sa industriya sampung taon na ang nakalipas.

Si Klumcee ang nasa likod ng lahat ng hit songs ng mga sikat na artist na sina Shanti Dope na pamangkin niya, Ron Henley, at Loonie. Siya rin ang isa sa Beatmonx na bumuo ng 5KL o 5 Kanta Lang ni Gloc-9 at mga celebrities tulad ni Solenn Heusaff sa kantang Hip-Notize.