Icons Feed

Keep up with your idol!

Kantang “Amatz” ni Shanti Dope, tinugtog sa “The Falcon and The Winter Soldier”

Ibang level na talaga ang Pinoy Rap! Tinugtog ng halos 48 seconds ang kantang “Amatz” ng rapper na si Shanti Dope sa latest episode ng “The Falcon and The Winter Soldier” (Episode 3: “Power Broker”).

Ibinida ng music producer na si Klumcee na syang gumawa ng beat ng kantang “Amatz” na isinalang ang kanilang gawa sa nasabing episode. Nagpost ito sa social media profile nya ng isang screenshot ng production credits kung saan makikita ang tunay na pangalan nilang dalawa.

Maging ang rapper na si Gloc 9 na naging mentor ni Shanti dope ay sobrang proud din sa naging achievement na ito ni Shanti.

Matatandaan na ang kantang ito ay minsan nang ipina-ban ng PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency) dahil sa lyrics nito na tila nagpopromote ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Ito daw ay nakakahadlang sa kanilang kampanya laban sa ilegal na droga. Matapos ang issue na ito ay nagbigay naman si Shanti ng pahayag sa kanyang interview na nagiging maingat na sya ngayon sa paggamit ng mga salita at sa paggawa ng lyrics ng kanta. Panoorin ang interview ni Shanti Dope sa ibaba.