Icons Feed

Keep up with your idol!

Loonie, Abswelto na sa Kaso

Gumulat sa Hip-hop fans ang balita kung saan nahulihan umano ang rapper na si Loonie ng highgrade kush.

Naganap ito noong ika-19 ng Setyembre, taong 2019.

Ayon sa otoridad, mahigit isang buwan nila na minanmanan si Marlon.

Matatandaan na nakulong ang rapper na si Loonie at mga kasama nito dahil sa insidente.

Nakalabas lamang ang mga ito ng makapag piyansa sila.

Naging tahimik ang kampo ni Loonie sa issue habang gumugulong kaso. At ito nga lang nakaraaang araw, inanunsyo na nila na dismissed na raw ang kasong kinakaharap nila.

Sa video ay ikinwento nila ang mga tunay na nangyari nung araw na iyon. Pati na kung ano ang mga nasa isip nila noong mga sandaling iyon.

Nagpahayag kung anong susunod na hakbang ang gagawin nila ngayon dismissed na ang kaso laban sa kanila.

Ayon mismo sa kanila ay ayaw nilang masayang yung oportunity na maexposed ang mali na nangyari.

At para daw hindi na mangyari ulit at maexperience pa ng ibang tao ang nangyari sa kanila.

Pero paglilinaw ng magkapatid na hindi nila ito gagawin para gumanti.