Icons Feed

Keep up with your idol!

Who is Jude the Zaint

Real Name: Amor Jude Thadeus Soriano
Birthdate: September 22
Alias: Jude the Zaint, Amōr
Reppin: Paliparan Finest, Three Law G, Cry of 4114
Occupation: Rapper, College Professor, Content Writer

Jude the Zaint Biography

Si Amor Jude Thadeus Soriano na kilala ngayon sa kanyang stage name bilang Jude the Zaint ay isang rapper at songwriter na tubong Dasmariñas, Cavite, Philippines. Siya din ang founder ng record label na PLPRN Records.

Nagsimulang sumulat at lumikha ng mga awitin si Zaint, noon taong 2009 sa ilalim ng artist name na “Amōr” at pinalitan nya ng Jude The Zaint noong taong 2018. Si Jude ay naging front act kanila Loonie at Abra sa 2nd anniversary celebration ng GudVibes Clothing noong 2012. Taong 2016 naman ay sumabak din siya sa Process of Illumination 5 Calabarzon ng FlipTop kung saan nakasabayan niya sina Mhot, Towpher, C-Quence at Vitrum.

Sa ilalim ng artist name na Amōr, siya ay nakapag labas ng tatlong mixtape, ang “Now You Know”, “S.E.M Breaks”, at “August 3”. At ayon mismo kay Jude, ang mga susunod na album na ilalabas nya sa ilalim ng bago nyang artist name ay makakasama nya ang ilang sikat na underground artists kabilang sina Santo ng SKWAT, Saint Yeyo, Martin Naling, Terapyutiko, Yansumi, Blast, Rare Mysterio, Raf Ojeda, Awut, Enos, Dhize at marami pang iba.

Mapapakinggan ang mga likha nyang musika sa Youtube, Spotify at iba pang platform.